Bagyong “Odette” nananatili ang lakas

By Angie dela Cruz

MANILA, Philippines — Nananatili ang lakas ng bagyong “Odette” kahapon ng hapon habang patuloy ang paglapit nito sa Cagayan province.

Sa ipinalabas na bulletin ng PAGASA, alas-2:00 ng hapon kahapon, ang sentro ni Odette ay nasa layong 405 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras.

Si Odette ay kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Nakataas ang signal #1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Ngayong umaga, si “Odette” ay inaasahang nasa layong 170 kilometro ng kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at nasa 700 kilometro ng Laoag City, Ilocos Norte bukas.

Ayon sa PAGASA magtatagal ang naturang bagyo sa bansa hanggang sa susunod na lingo.

comments powered by Disqus

mofuse.com