Ama nagbigti sa silid ng anak

By Raymund Catindig, Victor Martin

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kusang nagpasalubong kay Kamata­yan ang 49-anyos na ama matapos itong magbigti sa boarding house ng anak na kanyang dinalaw sa Barangay Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan noong Biyernes. 


Ayon kay P/Supt. Edward Guzman, tinotoo ng biktimang si Delfin Aquino ang biro niya sa anak na magpapakamatay ito upang tapusin na ang paghihirap sa sakit sa kidney.


Nabatid na dumadalaw lamang mula sa bayan ng Abulug si Aquino sa boarding house ng anak na si Daisy Joyce Aquino kung saan niya isinagawa ang pagbibigti gamit ang sinturon nang pumasok sa unibersidad ang kanyang anak.

Isinailalim sa post-mortem examination si Aquino at ipinasaayos ang mga labi nito sa punerarya upang mabigyan ng disen­teng burol sa kanilang lugar.

comments powered by Disqus

mofuse.com