Finance logistic officer ng NPA terrorist sumuko

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga awtoridad ang isang Platoon Finance Logistic officer ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Poblacion Ilawod, Cuartero, Capiz ni­tong Huwebes.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 6 Spokesman Sr. Supt. Gilbert Gorero ang su­mu­render na si Arsenio Magbanua alyas Ka Gamay, 40, tubong Brgy. Putian, Cuartero.

Si Ka Gamay ay tumatayong Section Kadre/Squad Leader/Platoon Finance Logister ng NPA terrorists na nago-operate sa lalawigan.

 Bandang ala-1:20  ng hapon nang sumu-render si Ka Gamay sa  him­pilan ng Cuartero Municipal Police Station sa Poblacion Ilawod , Cuartero sa tulong ni Brgy. Chairman Ness Fuyonan na nakipagnegosasyon para sa mapayapa nitong pagsuko.

Sa inisyal na interogasyon, inamin ng suspek na nagbalikloob siya sa batas matapos na mapagtanto na mali ang ideolohiyang kaniyang ipinaglalaban gayundin upang makapagbagumbuhay na sa piling ng kaniyang pamilya.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa ma­su­sing tactical inter­ro­­gation ng mga awto­ridad ang sumukong  lider ng NPA terrorists.

comments powered by Disqus

mofuse.com