Plaka darating sa Marso 2018 – LTO

image

Manila, Philippines — Tiniyak ng Land Transportation Office ngayong Huwebes na ginagawa nila ang kanilang trabaho upang maihatid na ang mga plaka ng sasakyan.

“The Land Transportation Office chief, Assistant Secretary Edgar Galvante, is on top of the situation and is proceeding with the procurement of license plates with dispatch and in accordance with existing procurement laws,” pahayag ng LTO.

Sinabi ng LTO na mga Marso ng susunod na taon ay makukuha na nila ang mga plaka mula sa winning bidder na Trojan Computer Forms Manufacturing Corporation at J.H. Tonnjes E.A.S.T. GmBH & Co. KG Joint Venture.

Nanawagan si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagbibitiw ni Galvez kahapon. Aniya tila hindi nagagampanan ni Galvez ang kaniyang trabaho.

Dating transport secretary si Alvarez sa administrasyon ni dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

 

comments powered by Disqus

mofuse.com