CPP-NPA terrorists mabibigong maghari sa Pinas - Lorenzana

By Joy Cantos

image

Ayon sa kalihim, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte ay gagawin nilang miserable ang CPP-NPA sa loob ng taong 2018 na mapahina ang puwersa ng mga ito sa kalahati mula sa 3,700 fighters. Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Mabibigo umano ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) terrorists sa ilusyon nitong maghari sa Pilipinas.

“Contrary to what the terrorist Communist Party of the Philippines (CPP) said in their recent statement, it is they who are delusional, living in a dream thinking that they could win and establish a communist government in the Philippines,” pahayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa kalihim, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte ay gagawin nilang miserable ang CPP-NPA sa loob ng taong 2018 na mapahina ang puwersa ng mga ito sa kalahati mula sa 3,700 fighters.

Sinabi ni Lorenzana na halos araw-araw ay mara­ming nagbabalik-loob sa pamahalaan na mga NPA terrorists mula sa iba’t ibang lalawigan at kabayanan dahil hindi na masikmura ang bulok na sistema sa pangongotong ng kilusan.

“Pero hindi na nila malilinlang kailanman ang taumbayan dahil lantad na ang kanilang totoong motibo at layunin. Hindi na nila maitatago ang ginagawa nilang pangingikil, paninira ng mga ari-arian at kabuhayan, pamimilit, pananakit at pagpatay, maging ng mga ino­senteng sibilyan,” ayon sa opisyal.

Handa na rin ang AFP troops na arestuhin ang mga lider ng CPP-NPA na mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon alinsunod sa ipag-uutos ng korte.

comments powered by Disqus

mofuse.com