‘Passport mafia’ buwagin - Cayetano

By Rudy Andal

image

Siniguro ni Sec. Caye­tano na walang puwang sa kanyang pamunuan ang ganitong sindikato na nagsasamantala sa mga OFWs kasabay ang mariing pagtanggi na ginagatasan ang mga OFWs sa pagkuha ng appointment sa kanilang passport application. File

MANILA, Philippines — Pinabubuwag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peterr Cayetano ang sinasabing sindikato na nambibiktima sa mga OFWs para makakuha ng appointment sa renewal ng kanilang passport.

Siniguro ni Sec. Caye­tano na walang puwang sa kanyang pamunuan ang ganitong sindikato na nagsasamantala sa mga OFWs kasabay ang mariing pagtanggi na ginagatasan ang mga OFWs sa pagkuha ng appointment sa kanilang passport application.

“Hindi maaring gatasan ang mga OFW dahil may express lane sila sa renewal ng kanilang passport sa lahat ng consular office ng DFA na nagsimula noong nakaraang taon pa. Nakakalungkot lamang dahil maraming gustong manira sa repormang ginagawa sa DFA,” paliwanag pa ni Cayetano.

Naging pangunahing reporma sa DFA ay ang pagsasaayos ng pagbibigay serbisyo sa publiko lalo sa mga OFWs.

Aniya, upang maparami ang slots ng gustong kumuha ng passport ay tinanggal niya ang reserved slot ng mga travel agencies noong nakaraang taon. May 1,200 slots a day ang nakareserba sa mga travel agencies o halos 26,000 slots sa isang buwan.

“Hindi namin papayagan na biktimahin ng sindikato o fixers ang mga OFWs,” paniniguro ni Ca­ye­tano kasabay ang kautusan na imbestigahan ang napaulat na sindikatong ito.

Aniya, magpapatupad pa siya ng mga bagong programa para lalong mapabuti ang pagbibigay serbisyo sa publiko lalo sa mga OFWs.

Idinagdag pa ng DFA chief, naglaan ng P1 bil­yon ang DFA para maulungan ang mga Filipino sa ibang bansa na kaila­ngan ng legal, financial at medical assistance.

Una rito, ipinatupad niya ang pagkakaroon ng express lane para sa mga OFW na magrerenew ng kanilang passport.

comments powered by Disqus

mofuse.com